^

Metro

3 holdaper bulagta sa shootout

- Ni Grace Dela Cruz -

Tatlong umano’y mga miyem­bro ng payroll gang ang pinagbabaril hanggang sa ma­patay matapos na maka­engkuwentro ng mga ito ang mga operatiba ng Manila Po­lice District (MPD) kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Ang mga suspek ay na­kilala lamang sa mga alyas na “Jaypee”, ang lider na tinawag na “King­pin gang”; “Dodong” at “Jonjon”, may edad sa pagi­tan ng 20-30-anyos,  nakasuot ng  khaki shorts, fatigue jacket at stripe na t-shirt.

Batay sa isinagawang inis­yal na imbesti­gasyon ng pu­lisya, isa ang dead-on-the-spot,  habang dead-on-arrival naman sa   Gat Andres Boni­facio Hospital ang dalawang kasamahan nito. Nakatakas naman ang isa pang kasabwat   sakay ng isang Honda XRM na walang plaka.

Batay sa report ni Supt. Jose Espino, hepe ng MPD-Station 2 (Moriones), dakong alas-11:45 ng umaga nang ma­ganap  ­ang insidente sa kanto ng Moriones at Road 10, Tondo.

Una na umanong  naka­tang­­gap ng impor­masyon si Espino hinggil sa magaganap na payroll robbery kaya agad na nagsagawa ito ng dragnet operations sa naturang lugar.

Sakay umano ang mga sus­pect sa  dala­wang motor­siklo, na kapwa  walang plaka pa­tungo sa direksiyon ng Binondo kung saan doon hini­hinalang isasagawa ang robbery holdap nang sitahin sila ng pulisya.

Ngunit sa halip na huminto ay  naglabas umano ng baril ang mga ito dahilan upang nagkaroon ng palitan ng putok sa dalawang panig na nag­resulta sa pagkamatay ng tatlo sa mga suspect.

Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang isang kalibre 45, dalawang kalibre 38, fan knife  at asul na Honda Wave.

Sinabi ni Espino na ang mga suspek ay ka­bilang umano sa grupo ng robbery hol­dap gang na una nang  ku­mana sa isang shipping lines.

vuukle comment

BATAY

GAT ANDRES BONI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with