^

Metro

Job applicant tumalon mula overpass, patay

-

Hindi nakayanan ng isang 24-anyos na binata ang hindi pagkatanggap sa kanya sa inaaplayang trabaho kaya mas pinili nitong magpakamatay at tumalon mula sa overpass bridge sa kanto ng Ramon Magsaysay Blvd. Malapit sa Altura St. sa Sampaloc, Maynila kahapon ng umaga.

Ang biktimang si Emmanuel Laxamana ng 1891 Visayan Ave., Sampaloc, Manila, ay dead-on-arrival sa De Ocampo Memorial Medical Center.

Nauna dito, nakita ang biktima na nagla­lakad paakyat sa naturang tulay hanggang sa walang sabi-sabing tumalon na lamang ito.

Gayunman, ipinagtapat ng ina ng biktima na si Josefina Laxamana na matagal nang dumaranas ng depresyon ang kanyang anak makaraang matanggal sa pinasukan nitong trabaho bilang call center agent.

Dagdag pa ni Aling Laxamana na sinu­bukan din ng kanyang anak na mag-aplay sa isang food chain restaurant at maging sa ibang bansa subalit hindi rin ito natanggap kaya lalong lumala ang depres­yon nito hang­gang sa hindi nito nakayanan at sumailalim ito sa psychological treatment sa Quirino Memorial Hospital sa Quezon City. (Grace Amargo-dela Cruz)

vuukle comment

ALING LAXAMANA

ALTURA ST.

DE OCAMPO MEMORIAL MEDICAL CENTER

EMMANUEL LAXAMANA

GRACE AMARGO

JOSEFINA LAXAMANA

QUEZON CITY

QUIRINO MEMORIAL HOSPITAL

RAMON MAGSAYSAY BLVD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with