Nananakit na  guro sibakin –Lim

Ipinasisibak ni Manila Mayor Alfred Lim ang mga guro na mananakit ng kanilang mga estudyante. Ayon kay Lim, bagamat makukulit ang mga estudyante, walang  karapatan ang sinu­mang  guro na  manakit  dahil  sila ang  itinuturing na ika­lawang magulang ng mga  ito sa loob ng paaralan. Sinabi ni Lim na pangunahing layunin ng kanyang administrasyon at ng mga magulang na masiguro ang kapakanan ng mga estud­yante sa kamay ng kanilang  guro.  Binigyan-diin din ni  Lim  na mahigpit pa rin ang pagpa­pa­tupad ng  “zero tuition, zero dona­tions”  policy  sa lahat ng mga pampublikong paaralan  sa elemen­tary, secondary  at tertiary. Inutos na rin niya ang pagpa­pa­labas ng karagdagang P1,000  sa sahod ng mga public school teachers. (Doris Franche)

Show comments