^

Metro

Dalagita ibinenta, pina-gang rape ng bf

- Angie dela Cruz, -

Isang bangungot ang sinapit ng isang 16-anyos na dalagita matapos uma­no siyang ibenta ka­palit ng shabu ng kan­yang boyfriend at pina-gang rape pa sa tatlong kalalakihan sa loob ng isang sementeryo, kaha­pon ng madaling araw sa lungsod Caloocan.

Kasama ng kanyang matalik na kaibigan ay pormal na nagtungo sa Women’s and Children’s Protection Center (WCPC) ng Caloocan-PNP upang magsampa ng reklamo ang biktimang itinago sa pa­ ngalang Irish, taga-Pi­nag­sama Village, Taguig City.

Inireklamo ng biktima sina alyas Nante, alyas Monching Laki at alyas Dick, pawang mga nani­nirahan sa Tagaytay St., Barrio San Jose, Caloo­can na umano’y halinhi­nang gumahasa sa kanya.

Sa kuwento ng bik­tima kay PO1 Gigie de Jesus, WCPC investigator, pumunta lang umano siya sa Caloocan City mula Taguig dahil sa pa­anyaya ng kanyang ma­ta­lik na kaibigang babae at ng kanyang nobyo na kinilala sa pangalang “alyas Boy”.

Alas-2:30 ng mada­ling-araw nang yayain siya ng bf na mayroon silang pupuntahan, su­balit dinala siya nito sa loob ng North Cemetery sa Caloocan at nadatnan nila doon ang tatlong suspek na naghihintay.

Sandaling nakipag-usap ang nobyo nito sa tatlong lalaki at agad na umalis ito at iniwanan siya. Dito na naganap ang halinhinang pangga­gahasa sa dalagita ng mga suspek.

Nabatid sa biktima na posibleng ibinenta siya ng kanyang bf kapalit ng shabu mula sa mga sus­pek dahil isa itong adik. Bukod sa tatlong suspek, pinaghahanap na rin ng pulisya ang nobyo ng biktima dahil kasabwat ito sa sinapit ng dalagita.

vuukle comment

BARRIO SAN JOSE

CALOOCAN

MONCHING LAKI

NORTH CEMETERY

PROTECTION CENTER

SHY

TAGAYTAY ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with