Baywalk restaurant at bars tinaningan

Hanggang  ngayong  linggo na lamang ang  taning ni  Manila  Mayor  Alfredo  Lim sa mga  may-ari  ng restaurant  na  giniba  sa  Baywalk  para magbayad ng  utang  nilang buwis.

Kabilang sa pinagbabayad ang  Bahay-Kalipay, Knock-out Bar, Yakitori Dori, Indo Grills at  Renz Restaurant.

Ang  mga nasabing restaurant ay natuklasan na  umo­kupa  pero hindi  nagbayad  ng buwis  at  walang  permit  sa  lokal  na pamahalaan.

Tinatayang  aabot  umano  sa  may  P7  milyon  ang hindi  naba­­yarang  buwis  sa  lokal  na  pamahalaan ng dating mga bay­walk establishment. (Doris Franche)

Show comments