^

Metro

6 na dalagita nasagip sa casa

-

Nailigtas ng pinagsanib na puwersa ng Las Piñas City-PNP at NPD-SWAT ang anim na menor-de-edad na puwersahang ginagamit ng sindikato sa pagbebenta ng panandaliang aliw sa mga dayuhang parukyano makaraang salakayin ang  isang compound na ginagawang hide-out ng mga huli, kamakalawa ng gabi sa naturang lungsod.

 Agad namang isinailalim sa pangangalaga ng Department of Social Welfare Development (DSWD) para sumailalim sa psycho­logical counseling ang mga biktimang hindi pinapangalanan na nasa gulang na 15-anyos pataas.

Sa panayam kay P/Insp. Ferjen Torred, hepe ng Las Piñas Intel­ligence Unit, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa lihim na operasyon ng sindikato na ibinebenta ang mga menor-de-edad sa isang lugar sa ABC Compound, Real Street, Pulang Lupa Uno ng nasabing lungsod.

Makaraang makumprima ang nakalap na impormasyon ay agad na sinalakay ng operatiba ang  nasabing hideout na nagresulta sa matagumpay na pagkakabawi sa anim na kabataan sa isang silid na hinihinalang naghihintay na ng dayuhang customers.

Bukod pa rito ay umabot din sa dalawampung babae na hini­hinalang prostitute ang dinala sa himpilan ng pulisya upang suma­ilalim sa verification. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BUKOD

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE DEVELOPMENT

FERJEN TORRED

LAS PI

MAKARAANG

NAILIGTAS

PULANG LUPA UNO

REAL STREET

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with