^

Metro

Dalagita nagbaril sa sarili

-
Hinihinalang nagpakamatay ang isang 16-anyos na dalagita makaraang matagpuan na wala nang buhay dahil sa tama ng bala sa sen tido kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Nakilala ang biktima na si Sheline Anne Villar, high school student, at residente ng #30 St. John street, Tugatog, Brgy. Veinte Reales, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi sa loob ng kuwarto ng biktima. Nadiskubre ang bangkay nito ng kanyang kapatid na si John Angelo.

Hinahanap umano nito ang kapatid upang magluto na ng sinaing ngunit nang buksan niya ang pinto ng kuwarto ay nakita niya na naliligo na ito sa sariling dugo. Nasa tabi naman nito ang isang kalibre .38 baril na hinihinalang ginamit sa pagbabaril.

Isang suicide note rin ang natagpuan kung saan nakasaad dito ang mga sama ng loob nito sa kanyang pamilya ukol sa hindi pa mabatid na mga bagay.

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang mabatid kung tunay ngang nagpakamatay ang dalagita at malaman kung sino ang may-ari ng baril na ginamit sa insidente. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BRGY

DANILO GARCIA

HINAHANAP

HINIHINALANG

ISANG

JOHN ANGELO

SHELINE ANNE VILLAR

ST. JOHN

VALENZUELA CITY

VEINTE REALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with