^

Metro

Pari natagpuang patay sa banyo

-
Isang 77-anyos na pari na si Fr. Levy Garcia ng St. Joseph Shrine sa Project 2, Quezon City ang natagpuang patay sa loob ng banyo ng simbahan kahapon ng umaga.

Nabatid na noon pang Martes nagpaalam ang biktima sa kanyang mga kasamahan na hindi muna siya makakapagmisa dahil sa kanyang sore throat.

Pero, mula noon, hindi na nakita si Garcia ng kanyang mga kasamahan sa simbahan at hindi na rin siya nakitang lumabas sa kanyang silid.

Natuklasan lang ang kanyang bangkay nang may maa moy na masangsang mula sa pintuan ng kanyang banyo.

Nang buksan ng kasamahan niyang si Fr. Benjamin Ventajar ang banyo ay tumambad dito ang bangkay ng biktima.

Hinihinalang tatlong araw nang patay ang pari pero palaisipan sa pulisya kung bakit magulo ang kanyang kuwarto at banyo.

Nakuha rin sa silid ng pari ang ilang gamot sa diabetes at hypertension. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BENJAMIN VENTAJAR

DANILO GARCIA

GARCIA

HINIHINALANG

ISANG

KANYANG

LEVY GARCIA

NABATID

QUEZON CITY

ST. JOSEPH SHRINE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with