^

Metro

Adik na ipapa-rehab, kinatay habang nakaposas

- Danilo Garcia -
Hindi na nakaabot sa rehabilitation center ang isang lalaki na sugapa umano sa droga matapos na matagpuan itong patay dahil sa mga saksak na tinamo sa buong katawan makaraang iposas ng kanyang kaanak sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling- araw.

Nakilala ang biktima na si Renato Lauzon, 24, may-asawa at residente ng Road 10 Pacheco St., Tondo. Patuloy namang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa mga suspect na pumaslang dito.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:15 ng madaling-araw nang matagpuang wala nang buhay at naliligo sa sariling dugo ang biktima sa loob ng kanyang kuwarto dahil sa saksak sa katawan.

Sa imbestigasyon, nakatakda sanang dalhin na ng kanyang pamilya si Lauzon sa Bicutan Rehabilitation Center dahil sa pagiging sugapa sa droga. Ipinosas umano ang biktima ng kanyang bayaw na si Jeff Deunida at mga kaibigan na sina Jhelly Genorga at Deny Oriel dakong alas-2:30 ng madaling-araw.

Sinabi naman ng misis ng nasawi na hindi na niya malaman kung sino ang sumaksak sa kanyang mister dahil sa pinayuhan siya ng bayaw na matulog na. Nang magising siya ay dito niya nadiskubre ang patay niyang asawa.

vuukle comment

BICUTAN REHABILITATION CENTER

DENY ORIEL

IPINOSAS

JEFF DEUNIDA

JHELLY GENORGA

LAUZON

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PACHECO ST.

RENATO LAUZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with