^

Metro

Estudyante dedo sa napikong sekyu

-
Patay ang isang 17-anyos na estudyante makaraang saksakin ito ng isang security guard ng isang eskwelahan na napikon sa paghahagis ng rebentador ng una, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Hindi nakaligtas sa tinamong tama ng saksak sa balikat na tumagos malapit sa puso ang biktimang si Alexander Balderay, ng Transmitter Area, Brgy. 184 Zone 19, Maricaban matapos siyang isugod sa San Juan de Dios Hospital ng mga kaanak dakong alas-12:15 ng hatinggabi.

Batay sa ginawang pagsisiyasat ni PO3 Allan Valdez ng Criminal Investigation Division (CID) ng Pasay Police, nasa kasagsagan ng putukan nang pagbawalan ng suspect na nakilala lamang sa alyas na Joel ng Mustang Security Agency ang biktima sa paghahagis ng rebentador sa tapat ng Maricaban Elementary School na kanyang binabantayan.

Subalit ipinagwalang bahala umano ng biktima ang ginawang pagbabawal ng sekyu na napag-alamang lasing sa alak dahilan upang mapikon ito at kumuha ng patalim at saksakin ang walang kalaban-labang estudyante.

Matapos ang insidente ay agad na tumakas ang suspect habang isinugod naman sa nasabing pagamutan ang biktima subalit nasawi din ito makaraan ang ilang oras. Nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulisya laban sa nasabing sekyu. (Edwin Balasa)

vuukle comment

ALEXANDER BALDERAY

ALLAN VALDEZ

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DIOS HOSPITAL

EDWIN BALASA

MARICABAN ELEMENTARY SCHOOL

MUSTANG SECURITY AGENCY

PASAY CITY

PASAY POLICE

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with