^

Metro

Nursing student tumilapon sa SLEX, patay

-
Patay ang isang 30-anyos na nursing student matapos na tumilapon ito at lumusot ang katawan sa windshield ng kanyang minamanehong sasakyan, kahapon ng umaga sa South Luzon Expressway sa Muntinlupa City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Parañaque Medical Center ang biktimang si Sidney Santos, binata, ng 314 Mabolo St., Ayala Alabang, Muntinlupa City bunga ng grabeng pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Ayon kay PO3 Joselito Quila ng Bicutan Traffic Management Group, kasalukuyang tinatahak ni Santos ang SLEX sakay ng kanyang Mazda 323 na may plakang WAE-199 patungong Alabang nang biglang mawalan ng kontrol ang sasakyan dahilan upang bumangga ito sa concrete perimeter fence ng expressway at service road. Sa sobrang lakas ng pagkakabangga ay tumilapon palabas sa windshield si Santos.

May hinala naman si Quila na posibleng hindi nagsuot ng kanyang seatbelt ang biktima kung kaya’t tumilapon ito nang bumangga ang kanyang sasakyan.

Ayon naman kay Arthur Santos, ama ng biktima na hindi nakauwi ng kanilang bahay kamakalawa ng gabi ang kanyang anak dahil may tinatapos na project sa eskuwela at posibleng inantok ito sa pagmamaneho na naging dahilan ng aksidente. (Lordeth Bonilla)

ARTHUR SANTOS AYALA ALABANG AYON BICUTAN TRAFFIC MANAGEMENT GROUP JOSELITO QUILA LORDETH BONILLA MABOLO ST. MEDICAL CENTER MUNTINLUPA CITY SIDNEY SANTOS
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with