Fix-term para sa NBI director, giit

Nais ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. na gawing fix-term ang panunungkulan ng direktor ng National Bureau of Investigation (NBI) sa layuning maging libre ito sa pakikialam ng mga pulitiko.

Aniya, bilang pangunahing ahensiya ng gobyerno laban sa kriminalidad dapat lang na bigyang laya ang mga ito sa pagpapatupad sa kanilang tungkulin.

Ipinanukala ni Sen. Pimentel na gawing limang taon ang termino nito at hindi na pwedeng italaga matapos na magampanan ang nabanggit na panahon nang panunungkulan.

Aniya, mapapalakas ang propesyonalismo sa hanay ng naturang ahensiya na madalas ng inuuga ng mga kontrobersya lalo pa kung galing sa labas ng ahensiya ang magiging pinuno.

Sa kanyang Senate Bill 2545, sinabi ni Pimentel na kaya niya ginawa ang ganitong panukala ay bunga na rin ng rekomendasyon ng mga NBI officials at mga imbestigador dahil wala silang "security of tenure" at kadalasan ay napapasukan pa ng pulitika. (Rudy Andal)

Show comments