^

Metro

Engineer tigok sa saksak

-
Nasawi ang isang 25-anyos na inhinyero matapos na pagsasaksakin ng isang grupo ng kalalakihan na nakaaway ng kanyang barkada sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Hindi na umabot ng buhay sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Sonny Dela Torre, binata, ng 728 Quirino St., Tondo sanhi ng tama ng saksak sa katawan.

Pinaghahanap naman at inaalam ang pagkakakilanlan ng mga suspek na tumakas matapos ang insidente.

Sa report ni Det. Edmund Cabal ng Manila Police District (MPD)-homicide division, dakong alas-2:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harapan ng isang bahay sa 72-A Quirino St., Tondo.

Bago naganap ang insidente, nabatid na nag-iinuman ang biktima at ilang kaibigan nito na dumalo sa birthday ng pinsan nito sa bahay ng kanilang tiyahin sa Dandan St., Tondo.

Patapos na ang kanilang inuman nang nagpaalam sina Michael Clavel at Robert Reyes, mga barkada ng biktima upang bumili ng sigariyo sa kalapit na tindahan. Dito pinagbabato ng grupo ng mga suspek sina Clavel at Reyes sanhi ng away.

Napansin ng biktima ang nagaganap ng komosyon sa labas kaya nagpasya itong lumabas sa compound upang tulungan ang mga barkada nito subalit siya naman ang sinalubong ng saksak ng mga ’di nakilalang suspek. (Danilo Garcia)

vuukle comment

A QUIRINO ST.

DANDAN ST.

DANILO GARCIA

EDMUND CABAL

MANILA POLICE DISTRICT

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MICHAEL CLAVEL

QUIRINO ST.

ROBERT REYES

SONNY DELA TORRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with