^

Metro

Huwes nagpalaya kay Roldan, kakasuhan

-
Sasampahan ng kaso sa Korte Suprema at Ombudsman ng grupo ni Citizen’s Against Crime and Corruption (CACC) Teresita Ang See ang hukom na nagpalabas ng desisyon para makalaya si dating Quezon City Congressman at aktor Dennis Roldan na sangkot sa kasong kidnap-for-ransom (KFR).

Sa isinagawang interview, sinabi ni See na dapat maimbestigahan si Judge Agnes Carpio ng Branch 261 ng Pasig RTC.

Ayon kay See, sa kabila umano ng matibay na ebidensiya laban kay Roldan, Mitchell Gumabao sa tunay na buhay, matapos itong kilalanin ng 3-anyos na biktimang si Kenshi Yu at pagkasakote rito sa akto ay pinalaya ito ng korte sa kabila na isang non-bailable offense ang kasong kinasasangkutan nito.

"Ang lalong concern namin ngayon ay ang lalo pang pagtaas ng kaso ng kidnapping. Nauna nang ibinasura ang parusang kamatayan, tapos eto pa ang isa kahit solido ang ebidensiya napapalaya ang mga sangkot", pahayag pa ni See.

Magugunitang tuluyang nakalaya si Roldan kamakalawa matapos na magpiyansa ng P.5-M.

Idinagdag pa ni See na nabalitaan nila na nakalabas na ng bansa ang sinasabing pinaghahanap na girlfriend ni Roldan.

Nagpahayag pa ng pagkabahala si See sa malaking posibilidad na tumaas ang insidente ng kidnapping sa paglaya ni Roldan dahilan hindi umano matatakot ang mga big-time KFR gang na mangidnap kung makakalaya naman sila dahilan sa mga iregularidad.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni PNP chief Director General Oscar Calderon na bibigyan nia ng proteksyon ang pamilya ng biktima dahilan sa pangamba ng mga ito na buweltahan sila ng grupo ng dating solon.

Magugunita na si Roldan ay nasakote kasama ang iba pang kidnapper sa isinagawang matagumpay na rescue operation kay Yu ng mga elemento ng Police Anti-Crime Emergency Response (PACER) noong nakalipas na taon. (Joy Cantos)

vuukle comment

AGAINST CRIME AND CORRUPTION

DENNIS ROLDAN

DIRECTOR GENERAL OSCAR CALDERON

JOY CANTOS

JUDGE AGNES CARPIO

KENSHI YU

KORTE SUPREMA

MITCHELL GUMABAO

POLICE ANTI-CRIME EMERGENCY RESPONSE

ROLDAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with