^

Metro

Manager pumalag sa karnap, tinodas

- Edwin Balasa -
Patay ang isang restaurant manager matapos itong pagbabarilin ng ’di pa nakikilalang mga kalalakihan na humarang at nagtangkang kumarnap sa dala niyang sasakyan, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Victor Potenciano Medical Center sanhi ng limang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang kinilalang si Romeo Cruz, 38, manager ng Dad’s Restaurant sa Glorietta Mall Makati Branch at residente ng #46 Simeon Cruz St. Brgy. Barangka Itaas ng nabanggit na lungsod. Samantala mabilis namang nagsitakas ang apat na armadong suspect matapos ang isinagawang krimen.

Ayon kay P01 Rizaldy Salvador, dakong alas 4:30 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng biktima nang dumating ito sakay ng kanyang kulay pulang Toyota Corolla na may plakang PSX-598 at ipinarada sa harapan ng kanilang bahay.

Ayon sa asawa ng biktima narinig niya ang pagsarado ng pintuan ng kanilang sasakyan kung kayat sinilip niya ang kanyang asawa subalit narinig na lamang niya na parang may nag-aaway sa labas at ang sunod-sunod na putok ng baril kaya agad itong lumabas ng bahay.

Subalit laking gulat na lamang niya ng makita ang kanyang asawa na nakaupo sa semento at duguan kasama ang kanilang kapitbahay na si Gil Abrasaldo na mabilis na tumulong at siya ring nagsugod sa nasabing pagamutan.

Napag-alaman pa sa ilang mga kapitbahay ng narinig na lang nila ang sigaw ng biktima na humihingi ng tulong dahil kinakarnap ang kanyang sasakyan ng mga suspect subalit hindi sila makalabas matapos marinig ng sunud-sunod na putok ng baril.

Hindi naman nakuha ng mga suspect ang nasabing sasakyan kundi ang susi lamang nito.

Nakuha sa lugar ng insidente ang mga basyong bala ng 9 mm na baril habang kasalukuyang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa agarang pagkakadakip sa mga suspect.

vuukle comment

AYON

BARANGKA ITAAS

GIL ABRASALDO

GLORIETTA MALL MAKATI BRANCH

MANDALUYONG CITY

RIZALDY SALVADOR

ROMEO CRUZ

SIMEON CRUZ ST. BRGY

TOYOTA COROLLA

VICTOR POTENCIANO MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with