^

Metro

Dalaga nagselos, bahay ng karibal sinunog

-
Dahil sa matinding selos nagawang sunugin ng isang 26-anyos na dalaga ang apartment ng kanyang karibal na umano’y kinahuhumalingan ng kanyang live-in partner, kahapon ng madaling-araw sa Valenzuela City.

Kasalukuyang nakapiit at nahaharap sa kasong arson ang suspect na nakilalang si Racquel Lareza, ng Carmen Subdivision, Brgy. Lambang, Bocaue, Bulacan, habang pinaghahanap pa ang dalawang suspect na nakilala lamang sa mga alyas na Unyo, 27 at Ron, 22 na umano’y kasabwat ng una sa ginawang panununog.

Batay sa ulat ni SFO2 Edgardo Hingo, arson investigator, dakong ala-1 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa inuupahang apartment ng biktimang si Rowella delos Santos sa 27-K Peter Avenue, San Francisco Subdivision, Brgy. Veinte Reales, Valenzuela City.

Nabatid na nag-ugat ang panununog ng suspect sa apartment ng biktima dahil sa matinding selos nito sa pang-aagaw sa atensyon ng huli sa live-in partner nito na si Elmer Quizon.

Kasama ang dalawang suspect ay sinira umano ni Lareza ang pinto ng apartment ng biktima at nang makapasok ang mga ito ay agad na sinilaban ang kama ng huli, hindi pa nakontento ay binuksan pa ng mga suspect ang LPG tank sa loob ng bahay.

Pagkatapos nito ay mabilis na nagsitakas ang mga salarin, habang nagtulong-tulong naman ang mga kapitbahay para agad na maapula ang apoy at wala nang madamay. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BRGY

CARMEN SUBDIVISION

EDGARDO HINGO

ELMER QUIZON

K PETER AVENUE

RACQUEL LAREZA

ROSE TAMAYO-TESORO

SAN FRANCISCO SUBDIVISION

VALENZUELA CITY

VEINTE REALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with