^

Metro

Mag-inang fixer huli ng LTO chief

-
Dinakip mismo ni Land Transportation Office (LTO) chief Anneli Lontoc ang mag-inang fixer habang nakikipagtransaksyon sa LTO head office sa East Avenue, Quezon City.

Nakilala ang mga nadakip na sina Seleccion "Aling Saling" Gonzaga at ang anak nitong si Magnolia Badak, kapwa residente sa Krus na Ligas sa UP Diliman, Quezon City.

Ayon sa ulat, nag-ikot kahapon si Lontoc sa LTO compound nang mamataan nito ang mag-inang Gonzaga sa tapat ng Law Enforcement Service na may kahina-hinalang kilos.

Nilapitan umano ang mga ito ng lady official saka tinanong kung ano ang kanilang transaksyon sa loob ng LTO. Wala umanong maisagot ang mag-ina kaya ipinag-utos ni Lontoc na beripikahin ang bag ng mag-ina.

Dito bumulaga sa paningin ni Lontoc ang ibat-ibang LTO traffic citation tickets at mga dokumentong may kaugnayan sa nasabing tanggapan.

Ilang oras ding napiit ang mag-ina pero pinakawalan din ni Lontoc kasabay ng babalang hindi na muli sila pang makakapasok sa compound ng LTO. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ALING SALING

ANGIE

ANNELI LONTOC

EAST AVENUE

GONZAGA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LAW ENFORCEMENT SERVICE

LONTOC

MAGNOLIA BADAK

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with