^

Metro

Ex-mayor sa Ilocos Sur biktima ng karnap

-
Isang dating alkalde sa Ilocos Sur ang panibagong biktima ng karnap sa Quezon City makaraang tangayin ng hindi nakikilalang mga suspect ang kanyang sasakyan habang nakaparada sa may Project 3, sa nabanggit na lungsod.

Nakilala ang biktima na si Jose Bunoan, dating mayor ng Tagudin, Ilocos Sur at residente ng #22 Yakal St., Brgy. Amihan, Quezon City.

Ayon sa biktima, dakong alas-10 ng gabi nang kanyang iparada sa tapat ng kanyang bahay ang kanyang Nissan Urvan, may plakang WSH-288 at nang silipin niya ito ng magmamadaling-araw ay wala na ang kanyang sasakyan.

Ipinaalarma ni Bunoan sa mga awtoridad ang pagkawala ng Urvan. (Doris Franche)

vuukle comment

AMIHAN

AYON

BRGY

BUNOAN

DORIS FRANCHE

ILOCOS SUR

JOSE BUNOAN

NISSAN URVAN

QUEZON CITY

YAKAL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with