Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Makati Medical Center (MMC), ang biktimang si Eduardo Fanlo, 19-anyos at residente ng #12 Santo Domingo St., Brgy. Urdaneta Village, nabanggit na lungsod sanhi ng isang tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo nito.
Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang isugod ang biktima sa nabanggit na pagamutan.
Nabatid na natagpuan lamang ng kanyang mga kaanak ang duguang biktima sa loob ng kanyang kuwarto na hawak pa ang baril na kanyang ginamit sa pagbaril sa sarili.
Isang masusing imbestigasyon naman ang kasalukuyang isinasagawa ng pulisya upang masiguro na walang "foul-play" sa pagkamatay ng biktima. (Lordeth Bonilla)