^

Metro

Medical instructor, posibleng masibak sa serbisyo

-
Pinangangambahang matanggal sa tungkulin ang isang X-ray technology instructor makaraang malaman ng administrasyon na kanyang pinagtuturuan na may kaso itong adultery.

Ayon sa pamunuan ng Family Clinic, hindi umano nila palalampasin ang ginawang pagtatago ni Peachy Villa-Luna, 26, ng kaso upang makapagturo lamang sa kanilang eskuwelahan. Part-time instructor din sa World Citi College si Luna.

Si Luna ay kinasuhan ng asawa nito ng adultery matapos na madiskubre ang pakikipagrelasyon umano nito sa isang doktor na nagtatrabaho rin sa kanyang pinapasukang ospital noon sa Cardona, Rizal.

Nahuli umano ng asawa ni Luna ang pakikipagrelasyon nito sa doktor sa pamamagitan umano ng mga malalambing na text messages.

Una nang sinampahan ng kaso si Luna at ang umano’y doktor na karelasyon nito sa tanggapan ni Quezon City Assistant Prosecutor Lilian Romero. (Doris Franche)

vuukle comment

AYON

DORIS FRANCHE

FAMILY CLINIC

NAHULI

PEACHY VILLA-LUNA

PINANGANGAMBAHANG

QUEZON CITY ASSISTANT PROSECUTOR LILIAN ROMERO

RIZAL

SI LUNA

WORLD CITI COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with