^

Metro

Sintunadong porter patay sa pulis

-
Binaril at napatay ang isang airport porter ng isang pulis dahil naasar ang huli sa pagkanta ng sintunado ng una kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Nasawi noon din ang biktimang si Romulo Tarug, 36, nakatira sa #735 5th St., Pildera II, Brgy. 193, sanhi ng tama ng bala sa katawan buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Tumakas naman kaagad ang suspect na si PO3 Ferdinand Gran, nakatalaga sa K9 Unit, Aviation Security Group, matapos isagawa ang pamamaril.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-9:30 ng gabi sa isang sari-sari store na pag-aari ni Ester Gaboy na matatagpuan sa Pildera II, Brgy. 193, Pasay City.

Ayon kay Gaboy, kasama ng suspect si SPO2 Radem Fantony, 47, at nag-iinuman sa sari-sari store nito.

Dumating naman ang biktima upang bumili ng sigarilyo. Ilang saglit pa ay kumuha ito ng barya at inihulog sa videoke na pag-aari rin ni Gaboy. Habang kumakanta ang biktima, biglang lumapit dito si PO3 Gran at walang sabi-sabing pinaputukan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Nabatid na naasar ang suspect sa pagkanta nang sintunado ng biktima. Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing kaso. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AVIATION SECURITY GROUP

BRGY

ESTER GABOY

FERDINAND GRAN

GABOY

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

PILDERA

RADEM FANTONY

ROMULO TARUG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with