3 holdaper timbog
October 10, 2005 | 12:00am
Tatlong kilabot na holdaper ang nadakip ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Cubao, Quezon City.
Nakakulong ngayon sa Quezon City Police District- Kamuning Police Station ang mga suspect na sina June Nucon, 32 at Mhay Ann Perlado, 21 kapwa residente ng F. Manalo St. Brgy.Immaculate Concepcion, Cubao at Boyet Asuncion, 29 ng 106 T. Benitez St. Brgy. San Martin de Porres ng nabanggit ding lungsod.
Ayon kay Supt. Mario Soriano, hepe ng pulisya, nadakip si Nucon nang humingi ng tulong ang biktimang si Corazon Garcia kina PO2 Eufemio at PO2 Salamanque na nagsasagawa ng monitoring sa lugar kamakalawa ng hapon.
Tinutukan ni Nucon si Garcia habang naglalakad sa overpass ng Monte de Piedad sa EDSA-Cubao kung saan kinuha nito ang P2,000 pera ng biktima. Agad namang nasakote si Nucon at nabawi ang pera.
Samantala, sa report naman ni Sr. Insp. Feliciano Llorico, hepe ng SIIB, inipit at tinutukan ng patalim nina Perlado at Asuncion ang biktimang si Aiza Mendoza, 20 habang naglalakad sa footbridge ng EDSA at Aurora Blvd. dakong alas-4 ng hapon noong Biyernes.
Nagsisigaw si Mendoza hanggang sa makorner ang dalawa ng mga pulis. Nabawi naman ang kuwintas ng biktima mula sa mga suspect.
Nabatid na ang mga suspect ay labas pasok na sa kulungan at kilabot na holdaper sa mga nasabing lugar.
Inalerto naman ni Soriano ang kanyang mga tauhan laban sa mga kilabot na holdaper sa Cubao at Morato. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest