Ari ng lalaki giniling sa saksak

Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang patay at tinadtad na parang giniling ang ari, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang biktima ay tinatayang nasa gulang na 55, may taas na 5’7 talampakan at katamtaman ang pangangatawan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-12 ng hatinggabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakaupo sa may Gate 3 ng Brittany St. Neopolitan Subdivision, Brgy. North Fairview ng nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na ilang residente ang tumawag sa mga awtoridad upang i-report ang nakitang lalaki na nakaupo at duguan sa nasabing lugar.

Pinuntirya ng hindi pa nakikilalang mga suspect ang ari ng biktima na tinadtad ng saksak at halos magiling, bukod pa sa bali ang binti nito at mga pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naniniwala ang pulisya na may kaugnayan sa babae ang motibo sa isinagawang pagpaslang dahil nga sa ang ari nito ang pinagbuntunan ng galit ng suspect.

Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Doris Franche)

Show comments