^

Metro

Tsinoy trader patay sa helper

- Gemma Amargo-Garcia -
Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng isang helper ang isang Fil-Chinese trader, habang nasa kritikal na kondisyon naman ang asawa at anak nito, kahapon ng madaling araw sa Sta. Cruz, Manila.

Namatay habang ginagamot sa Chinese General Hospital sanhi ng tinamong malalim na saksak at balikat ang biktimang si Sarah Lee, 39, samantalang sugatan naman ang kanyang asawang si Willie Lee, 47 at anak na si Jayson. Ang mga biktima ay pawang residente ng 2452 Rizal Avenue, Sta Cruz, Maynila.

Agad namang naaresto ang suspect na si Randy Aguston, 25, tubong Davao, delivery boy at stay-in helper ng mga biktima matapos na maituro ng isang kasamahan nito habang papatakas.

Sa imbestigasyon ni Det. Edmund Cabal ng Homicide Section ng Manila Police Dstrict, dakong ala-1 ng madaling-araw nang pasukin ng suspect ang kuwarto ng mga amo nito at isa-isang pinagsasaksak habang mahimbing na natutulog.

Paggawa ng fishballs, kikiam at iba pang uri ng bola-bola ang negosyo ng pamilya Lee kung saan delivery boy ng mga ito ang suspect.

Ayon sa suspect nagawa lamang umano niya ang krimen dahil sa umano’y pagmamaltrato ng mga ito, subalit pinabulaanan naman ito ng kanyang mga kasamahan sa trabaho at sinabing mabait ang amo nilang mag-asawa.

Malaki ang hinala ng pulisya na balak na magnakaw ng suspect at nabuko lamang ito kaya pinagsasaksak ang kanyang mga amo.

vuukle comment

CHINESE GENERAL HOSPITAL

EDMUND CABAL

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DSTRICT

RANDY AGUSTON

RIZAL AVENUE

SARAH LEE

STA CRUZ

WILLIE LEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with