^

Metro

Newsboy napagkamalang police asset, binoga

-
Isang newsboy ang pinagbabaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspect makaraang mapagkamalang police asset, kahapon ng umaga sa Quezon City.

Agad na nasawi sa lugar nang pinangyarihan ang biktimang si Paquito Cahanap, ng Fork St., Blk. 1 Lakas Bisig San Andres, Cainta, Rizal dahil sa tinamong dalawang tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:45 ng umaga ng maganap ang insidente sa may Liwanag St., Brgy. Old Balara ng nasabing lungsod.

Napag-alaman na naglalakad ang biktima sa nasabing lugar at naglalako ng diyaryo nang bigla na lamang itong barilin ng hindi pa matukoy na suspect.

Nang makitang naliligo sa sariling dugo ang biktima mabilis na tumakas ang suspect dala ang ginamit na baril.

Malaki ang paniwala ng mga awtoridad na napagkamalan umanong police asset ang biktima at inakalang nagsu-surveillance ito kaya’t binaril.

Wala namang nais na magsalita sa mga residente kung sino ang bumaril sa biktima.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pumaslang at papanagutin sa naganap na pamamaril. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BRGY

CAINTA

DORIS FRANCHE

FORK ST.

ISANG

LAKAS BISIG SAN ANDRES

LIWANAG ST.

OLD BALARA

PAQUITO CAHANAP

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with