^

Metro

Patrol 117 ng DILG at PNP may bayad na

-
Panibagong gimik na naman para makaipon ng pondo ang sinimulan ng Department of Interior and Local Government (DILG) kung saan maniningil na sila ng halagang P5.50 kada text at tawag sa Hotline Patrol 117 upang makapagsumbong ng krimen at emergency na nagaganap.

Ito’y matapos na muling ilunsad ni DILG Secretary Angelo Reyes ang Patrol 117 sa Century Park Hotel sa Manila kahapon ng umaga kung saan makakaltas ang P5.50 sa load ng isang concerned citizen na magti-text sa naturang numero at madadagdag naman sa bill ng telepono kung tatawag dito upang magsumbong.

Ikinatwiran ni Reyes na ang kanilang paniningil ay upang makalikom ng pondo para lalo pang mapaganda ang naturang serbisyo na buong bansa na umano ang naaabot. Dito umano sila kukuha ng pambili ng mga karagdagang equipments at mga tauhan na siyang tatanggap ng reklamo ng publiko.

Ito ay para rin umano mabawasan ang mga natatanggap na "prank calls" ng DILG. Nabatid na mahigit sa 30% ng tawag na kanilang natatanggap umano ay buhat sa mga nanloloko lang, nanghihingi ng date, phone pal, textmate at nananakot lang.

Sa paglalagay ng bayad, umaasa si Reyes na magdadalawang-isip na ang mga prank callers dahil sa malaking bawas na sa kanilang bulsa ang pagtawag.

Nabatid na nilikha ang Patrol 117 na inihahambing sa Emergency 911 ng Estados Unidos sa pamamagitan ng Executive Order 226 noong 2003.

Magsisilbing sumbungan ng mga emergency situation at krimen ang naturang numero kung saan pakikilusin naman ng DILG ang mga hawak nilang ahensya tulad ng Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP) at mga lokal na pamahalaan tulad ng mga munisipyo at city hall. (Ulat ni Danilo Garcia/Doris Franche)

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CENTURY PARK HOTEL

DANILO GARCIA

DORIS FRANCHE

ESTADOS UNIDOS

EXECUTIVE ORDER

HOTLINE PATROL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with