^

Metro

Mag-asawa nag-aaway,kotseng sinasakyan ibinangga ni mister

-
Isang apat na buwang buntis at ang mister nito ang iniulat na nasugatan makaraang ibangga ng lalaki ang sinasakyan nilang kotse at pagkatapos ay nagsaksak pa ito ng apat na ulit sa sarili, kamakalawa sa Pasig City.

Kapwa nilalapatan ng lunas sa Medical City ang mag-asawang sina Bryan Garcia, 36, na nagtamo ng apat na saksak sa katawan at putok sa ulo dulot ng pagkabangga at ang asawa nitong si Christine, 34, na nagtamo rin ng mga sugat at pasa sa katawan.

Ayon sa ulat ni SPO3 Arman Valenzuela ng Eastern Police District, naganap ang insidente dakong alas-2:35 ng hapon habang tinatahak ng mag-asawa ang kahabaan ng Stella Mariz sa Brgy. Kapitolyo sa Pasig lulan ng kanilang kulay asul na Nissan Sentra na may plakang TCN-244.

Nabatid na nag-aaway ang dalawa sa loob ng kanilang sasakyan dahilan upang ibangga nang ubod ng lakas ni Bryan ang kotse sa isang poste ng Meralco at pagkatapos ay kumuha pa ng patalim at pinagsasaksak ang sarili ng apat na ulit.

Mabilis namang naisugod sa pagamutan ang mga biktima.

Hindi pa nakakausap ng pulisya ang dalawa na kapwa inoobserbahan pa sa pagamutan. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

ARMAN VALENZUELA

AYON

BRGY

BRYAN GARCIA

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

MEDICAL CITY

NISSAN SENTRA

PASIG CITY

STELLA MARIZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with