^

Metro

Lalaki binog sa mukha ng holdaper

-
Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang binaril sa mukha makaraang manlaban sa holdaper na humarang sa kanya, kamakalawa ng gabi sa Taguig.

Hindi na umabot pang buhay sa Rizal Medical Center ang biktimang nasa pagitan ng 35-40 taong gulang, may taas na 5’7 talampakan, balingkinitan ang katawan at may tattoo na ‘Danilo’ sa braso. Isang tama ng bala ng baril sa mukha ang tinamo ng biktima na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect tangay ang wallet at cellphone ng biktima.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Quirino St., Zone 6, Signal Village, Taguig.

Nabatid sa inisyal na imbestigasyon na hinarang ng suspect ang biktima sa nasabing lugar at tinutukan ito ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at saka nagdeklara ng holdap.

Nanlaban naman ang biktima kung kaya binaril siya nang malapitan ng suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

DANILO

ISANG

KAAGAD

LORDETH BONILLA

NABATID

NANLABAN

QUIRINO ST.

RIZAL MEDICAL CENTER

SIGNAL VILLAGE

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with