^

Metro

Ex-pulis utak sa armored van holdap

-
Kilala na ng Central Police District-Criminal Investigation Unit (CPD-CIU) ang humoldap sa isang armored van ng Banco de Oro sa Annex Building ng SM North na ikinasawi ng isang escort security ng bangko noong Lunes ng hapon.

Sa pamamagitan ng carthographic sketch ng pulisya, pinangunahan ng isang SPO3 na dating pulis-QC ang walong armadong kalalakihan na humoldap sa nasabing armored van at nakabarilan ng security escort na si Eladio Jacobe ng Twin Star Security Agency.

Kamakalawa ay inihayag ni Supt. Jose Mario Espino, hepe ng CPD-Baler Station na ‘Ilonggo Group’ ang siyang sumalakay sa armored van ng bangko at isang dating pulis nga ang siyang lider ng grupo.

Ang panghoholdap ay nakuhanan ng video ng MMDA at ito ay kasalukuyan pang pinag-aaralan para makilala pa nang malapitan ang iba pang mga suspect. Tumanggi din ang bangko na ideklara ang halaga na nakuha ng mga holdaper bagamat kinumpirma nila na isang bag ang natanggay ng mga ito.

Magugunitang ang madugong holdap ay naganap dakong alas-3:50 ng hapon nang harangin ng mga suspect ang van. Nagkaroon ng pagpapalitan ng putok sa pagitan ng mga security escorts at mga suspect at dito nga nasawi ang sekyu na si Jacobe. (Ulat ni Doris M. Franche)

vuukle comment

ANNEX BUILDING

BALER STATION

CENTRAL POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS M

ELADIO JACOBE

FRANCHE

ILONGGO GROUP

JOSE MARIO ESPINO

KAMAKALAWA

TWIN STAR SECURITY AGENCY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with