20% ng supply ng tubig sa MM, ibabawas kada araw

Mula sa limang porsiyento, itataas na sa 20 porsiyento ang ibabawas ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa tubig na isu-supply sa mga water consumers sa Metro Manila at irigasyon kada araw.

Ito ang pinakahuling hakbang na ipapatupad ng MWSS na napagkasunduan ng Inter Agency Committee kaugnay ng patuloy na pagbaba ng water level sa Angat Dam.

Binigyang diin ng MWSS na kailangan magbawas ng water releases ng may 20 porsiyento kada araw upang maka-abot ang supply ng tubig hanggang limang buwan o bago sumapit ang panahon ng tag-ulan sa Hunyo.

Sa kabila nito, tuloy pa rin ang ipatutupad na cloud seeding, paglimita sa paggamit ng mga deep wells, pag-aayos ng mga sirang tubo ng tubig at pagpapalabas ng info campaign sa mga mamamayan hinggil sa kung paano makakatipid sa paggamit ng tubig.

Magrarasyon din umano ang MWSS ng tubig sa mga lugar na makakaranas ng kakapusan sa supply sa mga panahong ito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments