^

Metro

3 katao patay sa saksak sa QC

-
Tatlong kalalakihan ang iniulat na nasawi sa magkahiwalay na insidente makaraang pagsasaksakin ang mga ito ng hindi pa nakikilalang mga suspect, kamakalawa ng gabi sa Quezon City. Kinilala ng pulisya ang isa sa mga biktima na si Ignacio Galina, 22-anyos, residente ng #85 Matiwasay Ext., Brgy. Old Capitol Site ng nabanggit na lungsod na sinaksak habang naglalakad sa may Philcoa-Citimall ganap na alas-10:30 ng gabi.

Ganap na alas-11 ng gabi naman habang naglalakad papauwi si Harold Gascon, 21, ng Sitio Pajo, Brgy. Baesa, Novaliches, Quezon City ay tinambangan at pinagsasaksak ng ilang kabataan habang naglalakad ito sa isang madilim na eskinita. Duguan at wala namang buhay na bumulagta dakong alas-12:30 sa isang kalye sa Quezon City ang isang helper sa palengke na kinilalang si Efren Daradal, residente ng Old Samson Road ng nabanggit na lungsod makaraang pagsasaksakin ito ng isang di-kilalang suspect.

Ang mga nabanggit na insidente ay patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BRGY

EFREN DARADAL

HAROLD GASCON

IGNACIO GALINA

MATIWASAY EXT

OLD CAPITOL SITE

OLD SAMSON ROAD

QUEZON CITY

SITIO PAJO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with