Meteor Garden stars bumalik sa bansa

Muling pinagkaguluhan ng mga fans ang pagbabalik ni Hsu His Yuan, kilala bilang si Barbie Xu at San Cai sa Chinovelang Meteor Garden.

Si San Cai ay dumating kahapon sa NAIA dakong alas-11:40 ng umaga kasama ang kanyang kapatid na si Dee Xu sakay ng Eva Air Flight BR 271 buhat Taiwan.

Samantalang nakatakda na ring dumating ang dalawa pang miyembro ng F4 Band na sina Vic Zu at Jerry Yan.

Ang mga Taiwanese stars ay dadalo sa concert ng ABS-CBN na pinamagatang ‘Happy 50th TV The Concert’ na gaganapin ngayon sa The Fort sa Makati.

Naging maayos naman ang security escort pati na rin ang crowd control ng salubungin ito ng kanyang mga fans. (Ulat ni Butch Quejada)

Show comments