^

Metro

2 nag-ala Rambo: Paslit kritikal, 3 pa sugatan

-
Apat katao ang nasugatan, kabilang ang isang anim-na-taong gulang na paslit na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon makaraang tamaan ng bala ng baril nang walang pakundangang nagpaputok ng baril ang dalawang pulis, kamakalawa sa Quezon City.

Nasa malubhang kalagayan sa Quirino Memorial Medical Center ang paslit na si Sherval Cristman Gudelano, kindergarten at naninirahan sa Brgy. Villamaria Clara, Project 4, Quezon City.

Sugatan din sina Edgar Reyes, 25; Eric Llagas, 23 at Romulo Alarcon, 20.

Kasalukuyang nasa kostudya na ng Quezon City police ang mga suspect na sina PO1 Jovino Marcos Jr., 30 at PO1 Carlo Mojica, 29, kapwa nakatalaga sa PNP SAF Support Battalion sa Camp Ricardo Papa sa Taguig.

Batay kay PO3 Jerry Barrientos ng CPD Station 8, ganap na alas-5:46 ng hapon nang umano’y magwala ang mga pulis sa panulukan ng JP Rizal St. at Pelaez St., sa Barangay Villarama Clara, Project 4, Quezon City.

Una umanong bumisita at nakipag-inuman ang dalawang pulis sa bahay ng isang Captain Danilo Mojica sa nabanggit na lugar.

Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang umanong pinalo ng puluhan ng baril ng mga suspect ang biktimang si Reyes at hindi pa nasiyahan ay nagpawala pa ang mga ito ng sunud-sunod na putok ng baril at tinamaan ang mga sibilyan.

Naglalaro noon ang batang si Gudelano na tinamaan sa ginawang pagpapaputok ng mga pulis.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang dalawang pulis. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

BARANGAY VILLARAMA CLARA

CAMP RICARDO PAPA

CAPTAIN DANILO MOJICA

CARLO MOJICA

EDGAR REYES

ERIC LLAGAS

JERRY BARRIENTOS

JOVINO MARCOS JR.

PELAEZ ST.

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with