^

Metro

P60-M VCDs nasamsam sa NAIA

-
Dalawang tonelada ng pekeng digital at video compact discs na tinatayang nagkakahalaga ng P60 milyon ang nakumpiska ng mga opisyal ng Bureau of Customs, kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Pinangunahan nina Customs Commissioner Antonio Bernardo, NAIA District Collector Celso Templo at Video Regulatory Board (VRB) chairman Bong Revilla ang pagbukas at pagkumpiska sa mga piniratang discs na nasa loob ng mahigit 50 kahon na naglalaman ng mga pelikulang banyaga at mga bold films.

Base sa ulat, ang naturang kargamento ay naka-consign kina Bobby Raval at Allan Mantley at napag-alamang dumating sa bansa lulan ng flight 5x6927, 621 at 620 noong Oktubre 12, 2003.

Napag-alaman pa kay Templo na mismong si Bernardo ang nag-text kay Paircargo Warehouse special deputy collector Horacio Suansing Jr. ukol sa natanggap niyang tip na isang malaking cargo mula sa Malaysia ang papasok ng bansa at ito ay naglalaman ng mga pirated discs kung saan ay agad na kinumpiska ang nasabing mga kargamento nang maging positibo ang nasabing impormasyon. (Ulat ni Butch Quejada)

vuukle comment

ALLAN MANTLEY

BOBBY RAVAL

BONG REVILLA

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

CUSTOMS COMMISSIONER ANTONIO BERNARDO

DISTRICT COLLECTOR CELSO TEMPLO

HORACIO SUANSING JR.

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PAIRCARGO WAREHOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with