Traffic enforcer ng MMDA tiklo sa kotong
January 5, 2003 | 12:00am
Nahulog sa isinagawang entrapment operation ang isang traffic enforcer ng Metro Manila Development Authority (MMDA) makaraang kotongan ang isang driver, sa tanggapan mismo ng nabanggit na ahensiya sa Makati City.
Nakakulong at nahaharap sa kasong robbery extortion ang suspect na nakilalang si Elcid Cablayan, 36, nakatalaga sa Mobile Patrol Unit (MPU) ng MMDA at naninirahan sa Project 4, Quezon City.
Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Nilo Sadsad, ng General Assignment Section ng Makati City police na naganap ang paghuli sa biktimang si Rogelio de Guzman, driver noon pang Disyembre 28, 2002 sa Quezon City.
Binanggit umano ni Cablayan sa driver na tubusin ang lisensiya nito sa tanggapan ng MMDA sa Makati at pinagdadala ito ng pera.
Nagduda si de Guzman kung kayat nagreklamo ito sa tanggapan ng MMDA.
Kamakalawa inihanda ang entrapment operation laban kay Cablayan at nang abutin ang P1,000 marked money sa biktima ay sinunggaban na ito ng mga awtoridad. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended