^

Metro

87-anyos na lola natusta sa sunog

-
Nalitson ng buhay ang isang 87-anyos na matandang babae makaraang makulong ng apoy ang silid nito matapos masunog ang kanilang tahanan sa Pasig City kahapon ng madaling araw.

Mistulang uling nang marekober ng mga bumbero ang bangkay ng biktimang si Amelia Gotinga, mula sa nasunog nilang tahanan na matatagpuan sa #40 San Antonio St., Brgy. Kapitolyo ng nasabing lungsod.

May teorya ang mga imbestigador na posible umanong nakatulugan ng biktima ang sinindihan nitong kandila na siyang pinagmulan ng sunog.

Ayon sa salaysay ng anak ng biktima na nakilalang si Godofredo, naalimpungatan umano siya at nakita na nilalamon ng apoy ang kanilang tahanan dakong alas-12:45.

Dali-dali umano siyang nagtatakbo sa basement na kinaroroonan ng silid ng ina na humihingi ng saklolo subalit wala siyang magawa dahil sa makapal na ang usok at nagbabagang apoy na bumabalumbon sa silid nito. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AMELIA GOTINGA

AYON

BRGY

GODOFREDO

JOY CANTOS

KAPITOLYO

MISTULANG

NALITSON

PASIG CITY

SAN ANTONIO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with