^

Metro

Away ng 2 bata, isa patay

-
Nauwi sa madugong trahedya ang away ng dalawang bata, makaraang makialam ang kanilang mga ama na ikinamatay ng isa at ikinasugat ng isa pa kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Hindi na umabot pang buhay ng isugod sa Quezon City General Hospital ang biktimang si Pablo Macabagdal, 63, ng Project 8, Quezon City matapos na magtamo ng limang saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Nakaratay naman sa nabanggit ding ospital ang nakalaban nito na si Leopoldo Resbo, 63, matapos pagtulung-tulungang bugbugin ng taumbayan nang masaksihan ang ginawang pananaksak sa nasawi.

Base sa ulat, dakong alas-7 ng gabi kamakalawa ng magkainitan ang mga anak na binatilyo ng dalawang matanda. Kapwa nagsumbong ang mga binatilyo sa kanilang mga ama hanggang sa sila na ang magkomprontahan. Nasa kainitan ng pagtatalo ng magbunot ng patalim si Resbo at saksakin si Macabagdal.

Tinangka naman ng suspect na tumakas subalit nakorner siya ng taumbayan. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

DORIS FRANCHE

KAPWA

LEOPOLDO RESBO

MACABAGDAL

NAKARATAY

NAUWI

PABLO MACABAGDAL

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

RESBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with