^

Metro

2-anyos hinalay na, hinawahan pa ng 'tulo'

-
Isang 2-anyos na paslit ang iniulat na ginahasa at hinawahan ng ‘tulo’ ng kanyang sariling tiyuhing binatilyo sa Paco, Maynila.

Kasama ang kanyang ina naghain ng reklamo sa WPD Station 5 ang biktimang itinago sa pangalang Angel laban sa kanyang tiyong suspect na si Ronron, 15, ng Anakbayan St., Paco, Maynila.

Ayon kay PO3 Marilyn Caparrosa, may hawak ng kaso bandang alas- 5 ng hapon noong nakalipas na Agosto 25 ng isagawa ng suspect ang panghahalay sa paslit.

Nabatid na umalis ng bahay ang ina ng biktima at inihabilin ang kanyang anak kay Ronron.

Nang magbalik sa bahay ang ina ay inabutan nitong palahaw sa pag-iyak ang bata at nang kanyang tanungin ay itinuro nito ang nagdudugong ari. Ayon sa bata ‘tinusok’ umano siya ng suspect.

Inaresto ng mga awtoridad ang suspect subalit mariing itinanggi na ginahasa niya ang kanyang pamangkin.

Gayunman, sa isinagawang examination sa paslit sa Phil. General Hospital lumabas na positibong ginahasa ang bata at nahawahan pa ng sakit na gonorrhea.

Inamin naman ng suspect na isa siyang call boy na kumakabit sa mga bakla at matrona kaya posibleng dito niya nakuha ang sakit at hinawahan pa pati ang paslit na pamangkin. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AGOSTO

ANAKBAYAN ST.

AYON

GAYUNMAN

GENERAL HOSPITAL

INAMIN

MARILYN CAPARROSA

MAYNILA

RONRON

RUDY ANDAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with