^

Metro

Buntis iniwan ng lover nagbigti

-
Dahil sa sobrang sama ng loob ng isang babae na limang buwang buntis matapos na iwanan ng kanyang live-in partner, winakasan nito ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng inuupahang silid kahapon ng hapon sa Tondo, Maynila.

Patay na nang matagpuan ang biktima na kinilalang si Elizabeth Sanola, 28, tubong Davao, ng Parola Compound Tondo.

Sa imbestigasyon ng Western Police District-Homicide Division, dakong alas-12:26 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng silid ng biktima.

Natuklasan lamang ang pagpapatiwakal ng biktima gamit ang pinagdugtong-dugtong na kumot, nang dumating ang may-ari ng bahay na inuupahan ng una na si Judith Belbis, 46.

Ayon naman sa pamangkin ng biktima na si Lusany Sanola, 17, bago ang insidente, narinig niya ang kanyang tiyahin at ang ka-live-in nito na nagngangalang Obet na nag-aaway kamakalawa ng gabi.

Nabatid na iiwanan na umano ng lalaki ang biktima upang bumalik sa tunay nitong pamilya. (Ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

AYON

DAHIL

DAVAO

ELIZABETH SANOLA

ELLEN FERNANDO

JUDITH BELBIS

LUSANY SANOLA

MAYNILA

PAROLA COMPOUND TONDO

WESTERN POLICE DISTRICT-HOMICIDE DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with