^

Metro

Mercury Drug, nilooban na naman

-
Muli na namang pinasok ng mga armadong kalalakihan ang isang sangay ng Mercury Drugstore at natangay ang tinatayang P150,000 na kita, kahapon ng madaling-araw sa Mandaluyong City.

Iniulat ni Ricardo Mejia, manager ng Mercury Drug and Convenience Store sa Libertad St. cor. EDSA, Brgy. Highway Hills ng lungsod na ito, ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO2 Julius Cezar Piñera, sakay ang pitong hindi pa nakikilalang suspect ng tatlong Enduro motorcycle na walang plaka at bumaba sa harap ng drugstore.

Pumasok ang 6 sa mga suspect at isa ang naiwan sa labas at tinutukan ng kalibre .45 ang guwardiya na si Pio Jeres.

Armado ng Uzi, kalibre .45 at M-16 armalites, inutusan ng mga suspect ang mga empleyado ng drugstore at ang nag-iisang kustomer na si Girlie Andalisa na yumuko.

Inutusan naman ng mga suspect si Mejia na buksan ang kaha ng drugstore at nilimas ang kita.

Tinangay din ng mga suspect ang 2 kalibre .38, Nokia 3310 at 3210 at hand-held radio bago tumakas patungong direksyon ng Barangka Drive. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ARMADO

DANILO GARCIA

DRUG AND CONVENIENCE STORE

GIRLIE ANDALISA

HIGHWAY HILLS

JULIUS CEZAR PI

LIBERTAD ST.

MANDALUYONG CITY

PIO JERES

RICARDO MEJIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with