^

Metro

High school student biktima ng hazing

-
Hindi pa man ganap na nareresolba ang kaso ng hazing sa Laguna, isa na namang high school student ang naging biktima, matapos gulpihin at pagpapaluin ng kahoy sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos ang isinagawang hazing ng isang grupo ng fraternity sa Makati City, kamakailan.

Nakilala ang biktima na si Richard Duran, 15, 3rd year high school ng Brgy. South Cembo ng nabanggit na lungsod.

Samantala, kinilala ang grupo ng mga suspect na miyembro ng Tau Gamma Fraternity na pinamumunuan ng isang alyas Ernest.

Ayon kay Mrs. Emma Duran, 37, ina ng biktima na nagtamo ng maraming pasa sa katawan ang kanyang anak bunga ng isinagawang hazing ng grupo.

Sa ngayon ay patuloy na pinaghahanap ng pulisya ang mga taong responsable sa naganap na hazing. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

BRGY

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MRS. EMMA DURAN

NAKILALA

RICHARD DURAN

SAMANTALA

SOUTH CEMBO

TAU GAMMA FRATERNITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with