Binay, Marquez prinoklama

Pormal na ring prinoklama kahapon si dating Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Jejomar Binay bilang nanalong mayor sa lungsod ng Makati.

Dakong alas-3 kahapon ng madaling-araw prinoklama ni Atty. Pedro Rosal, head ng Commission on Elections (Comelec) sa Makati City sa Valenzuela Sports Complex si Binay.

Kasama rin sa prinoklama ay si Ernesto Mercado bilang nanalong vice mayor ng nabanggit na lungsod at running mate ni Binay.

Samantala, pormal na ring prinoklama ni Atty. Elmer Cayanan, head ng Comelec sa Parañaque City si Joey Marquez bilang nagwaging kandidato sa pagka-mayor sa nabanggit na lungsod.

Kasama sa prinoklama ang running mate ni Marquez na si Florencio Bernabe, nanalo namang vice-mayor sa nabanggit pa ring lungsod.

Ang proklamasyon kina Marquez at Bernabe ay isinagawa sa PICC dakong alas-2:30 kahapon ng hapon. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments