Vendors bibigyan ng ID

Upang maiwasan ang madalas na habulan na kung minsan ay nauuwi pa sa karahasan ay isang panukalang-batas na naglalayong bigyan ng opisyal na identification cards ang mga sidewalk vendors, hawkers at stall holders ang inihain ni Manila 3rd District Councilor Bernie Ang.

Sa ilalim ng mungkahing batas, lahat ng ID cards ay maaari lamang makuha sa tanggapan ng alkalde. Layunin nito na maisaayos ang tamang bilang at operasyon ng mga tindero sa Kamaynilaan.

Sinabi ni Ang na ang pagbibigay ng nasabing ID ay para rin matiyak na sila ay legal at normal na mabubuhay sa ilalim ng bagong ordinansang ito at hindi na sila mapagsasamantalahan pa ng mga sindikato. (Andi Garcia)

Show comments