^

Metro

Promdi nangholdap ng taxi, todas sa pakikipagbarilan

-
Isang probinsiyano na umano’y nangholdap ng taxi driver upang may maiuwing pera sa kanilang lalawigan ngayong kapaskuhan ang napatay makaraang makipagbarilan ito sa mga awtoridad, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Kinilala ang napaslang base sa nakuha ditong driver’s license na si Oscar Mabutas, 23, ng San Isidro, Bacun, Sorsogon.

Sa ulat ng Central Police District station 3, dakong alas-3 ng madaling araw habang nagpapatrulya sina SPO1 Edgardo Cruz at SPO1 Ariel Cantora ng Talipapa Police Community Precint sa kahabaan ng Mindanao Ave. ng mamataan ng mga ito ang suspek sa loob ng Kalayaan taxi at tila hinoholdap ang driver na si Rogelio Drillo.

Hinabol ng mga pulis ang naturang taxi at ginamitan ng sirena sabay sinenyasan na tumabi, pero sa halip na huminto ay binaril umano ng suspek ang mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis hanggang sa matadtad ng bala ang naturang holdaper na ikinamatay nito. Hindi naman nasugatan ang driver makaraang sumubsob ito sa kanyang driver’s seat.

Narekober ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang paltik na kalibre .38 at pitaka nito na naglalaman ng kanyang driver’s license. Nabawi din ang pera na kinuha ng suspek sa naturang driver. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

ARIEL CANTORA

CENTRAL POLICE DISTRICT

DRIVER

EDGARDO CRUZ

MINDANAO AVE

OSCAR MABUTAS

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

SAN ISIDRO

TALIPAPA POLICE COMMUNITY PRECINT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with