^

Metro

Nanood ng 'The Grinch' tumangay ng pang-13th month

-
Matapos mapanood ang pelikulang "The Grinch," napagtripang gayahin ng isang 17-anyos na binatilyo ang aktor na si Jim Carrey na palungkutin ang Pasko ng iba matapos nitong tangayin ang P82,000 halaga na pang-13th month bonus ng mga empleyado ng kanyang tiyuhin, kahapon ng madaling araw sa Marikina City.

Isinuko naman ni Bartolome Ramos, 69, ang kanyang apong suspek na si Cyrill, residente ng Riverside Monterey subd., San Mateo, Rizal.

Nabatid sa pulisya na pinasok ni Cyrill ang opisina ng kanyang tiyuhing si Rolando Ramos, 42, sa pag-aari nitong C& R Motor Parts-Japan Surplus na nasa 594 J.P. Rizal st., Concepcion Uno dakong alas-12:10 ng madaling araw.

Nakita ng isang stay-in na empleyado ang ginawang pagsira ni Cyrill sa door knob ng shop ngunit di niya ito pinansin dahil sa pamangkin nga ito ng kanilang amo.

Umaga na ng madiskubre na nawawala ang P82,000 na nakatago sa isa sa mga drawer ng opisina na ayon kay Ramos ay nakalaan bilang bonus ng kanyang mga empleyado.

Hindi umano ito ang unang pagkakataon na kumuha ng pera ang suspek. Ayon sa lolo nito, dala umano ng barkada at pagkagumon sa droga kaya ito nagawa ng kanyang apo at nakatakda na sana nila itong ipa-rehab.

Nabatid rin na kapapanood pa lamang ng suspek ng pelikulang "The Grinch" at napagtripan nito na gayahin si Jim Carrey na sirain ang Pasko ng iba. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BARTOLOME RAMOS

CONCEPCION UNO

CYRILL

DANILO GARCIA

JIM CARREY

MARIKINA CITY

NABATID

PASKO

R MOTOR PARTS-JAPAN SURPLUS

RIVERSIDE MONTEREY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with