Tulong ni Erap hihingin ng pamilya ng nadismis na LRT workers

Nakatakdang magpiket ngayong umaga sa Malakanyang ang mga pamilya at kaibigan ng mga nadismis na manggagawa ng Light Rail Transit upang hingin ang tulong ni Pangulong Estrada sa pagresolba ng nagaganap na LRT labor dispute.

Sa pahayag ni Ginang Genoveva Decosto, 38, maybahay ng nadismis na LRT train operator na si Ronaldo Decosto at tagapagsalita ng Families and Friends of LRT Workers (F&FLRT), sa nakalipas na tatlong buwan ng magsimula ang welga marami sa mga anak ng nasibak na LRT employees ang nahinto sa kanilang pag-aaral habang ang mga serbisyo para sa kuryente at tubig ay naputol dahil na rin sa kawalan ng kabuhayan ng manggagawang ito.

Bunga nito ay nanawagan ang F&FLRT sa Pangulo na agad resolbahin ang sigalot sa pagitan ng Unyon at LRTA-DOTC. (Ulat ni Andi Garcia)

Show comments