Ace Vergel absuwelto sa kasong rape, child abuse

Tuluyang inabsuwelto sa kasong rape at anti-child abuse ang original bad boy ng pelikulang Pilipino na si Ace Vergel, Ace York sa tunay na buhay. Sa 13-pahinang resolusyon ng Department of Justice (DOJ), sinabi nito na nagpabago-bago ang ibinigay na testimonya ng 16 anyos na biktima ni Vergel na naging basehan upang tuluyan nang iatras ng prosecution ang nasabing kaso. Ang umano’y rape ay nangyari noong Agosto 3, 1998. (Ulat ni Grace Amargo)

Show comments