Escort napatay sa debut
November 11, 2001 | 12:00am
Naging madugo ang pagdiriwang ng debut ng isang dalaga nang ang escort na kapatid nito ay mapaslang ng isang gang sa kasagsagan ng kasiyahan sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Hindi na umabot ng buhay ang biktimang si Ricardo Hermio, 21, laborer ng #53 Cotabato St. Ramon Magsaysay, Muñoz, Quezon City, nang dalhin sa Quezon City General Hospital bunga ng multiple stab wounds sa ibat ibang bahagi ng katawan nito.
Sa imbestigasyon ng Criminal Investigation Division (CID) ng Quezon City Police, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa debut party ng kapatid ng biktima na si Susan.
Dalawang bisita ni Susan ay pauwi na sana matapos magpaalam subalit hindi pa nakalalayo ang mga ito nang sinalubong ng isang grupo ng kabataan na pinamumunuan umano ng isang nakilala lamang sa alyas na "Kulit".
Nagkaroon ng sagutan ang magkabilang panig hanggang sa humantong sa away.
Nakita ng biktima ito kayat inawat ang grupo ngunit sa halip, ito ang napagtripan ng mga suspect.
Isa sa mga suspect ay agad na bumunot ng balisong at kaagad na sinaksak ang biktima hanggang sa humandusay na ito sa lupa.
Agad namang tumakas ang mga suspect matapos ang krimen. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended