Hulyo 22, 2023

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Taglay ang liwanag at malikhaing isip na angkop sa pagpaplano sa hinaharap. Huwag aksayahin ang panahon. Matatapos ang gawain na sinimulan ng walang hadlang o abala. May hindi inaasahang pangyayari ang magaganap. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 19, 41 at indigo.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Tumpak ang panahon sa pagpapayaman ng kaalaman. Ang pagsasaliksik ang dapat tutukan mo ngayon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 14, 20 at sky blue.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Ilagay sa badyet at mag-impok para may magamit kung may kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 20, 30 at citrine yellow.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Aabalahin ang sarili sa paggawa sa loob ng ta-hanan. Maaasahan ang payo ng kaibigan tungkol sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ang 9, 22, 29, 33 at electric blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Ang kalusugan ay dapat bigyan ng sapat na panahon. Magpahinga at alagaan ito. Huwag magpa-stress. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 18, 22 at dollar green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – May pagkakataon sa sosyal na aktibidad, na mag-uugnay sa’yo sa bagong pag-ibig. Lucky numbers at co-lor for the day ang 5, 18, 19, 29 at emerald green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Kailangan ang tulong ng isang kaibigan. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 32, 39, 42 at pink.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Huwag padala sa mungkahi ng iba. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal. Tiyakin ang sarili bago kumilos. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 26, 27 at yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Ang kumplikasyon tungkol sa salapi ay magkakaroon ng kalutasan. Huwag pansinin ang tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 16, 32 at blue.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Magsabi ng tapat. Patunayan ang katapatan sa kapwa at sarili. Matutupad ang pangako. Lucky numbers at color for the day ang 1, 10, 16, 34 at yellow.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Ang transaksyon sa negosyo ay dapat isa-gawa pagkalipas ng tanghali. Suriing mabuti ang proposisyon o suhestiyon. Lucky numbers at color for the day ang 1, 6, 19, 37 at red.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Mahalaga ang tulong na maibibigay ng iba. Magpasalamat sa pagtanggap ng mungkahi. Dapat kumilos kaagad. Lucky numbers  at color for the day ang 3, 9, 12, 15 at turquoise.

Show comments