Hulyo 20, 2023

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) – Huwag pagurin ang sarili sa paggawa ng bagay na hindi naman talaga kaya o hindi nauunawaan  ng lubusan, dahil magsasayang ka lang ng pagod at oras. Ang tagumpay ay nakasalalay sa iyong positibong katangian at hindi sa iyong kahinaan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 18, 27, 33 at orange.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) – Kung may hindi alam, pag-aralan. Hindi man lubusang maunawaan, ang mahalaga kahit kaunti ay may nalalaman. Lucky numbers at color for the day ang 6, 10, 23, 41 at yellow.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) – Mahalaga ang magplano at isipin ang gawain ng makaiwas sa pagsasa-yang ng oportunidad o oras. Huwag magmadali. Lucky numbers at color for the day ang 10, 22, 34, 45 at purple.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) – Nasa iyo ang kata-ngian at kakayanan, kailangan lamang pag-ibayuhin. Nasa pagsisikap ang tagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 9, 23, 36, 42 at blue.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) – Huwag kimkimin ang sama ng loob dahil kapag hindi ito nakaya, daig pa ng bulkang sasabog. Ingatan ang health. Lucky numbers at color for the day ang 11, 12, 30, 37 at red.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) – Bigyang pansin ang mga bagay na maaa-ring makatulong para matupad ang pangarap. Magpokus at mag-ingat. Lucky numbers at color for the day ang 5, 14, 28, 40 at indigo.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) – Makakakilala ng tao na sa kalaunan ay magbibigay ng kasiyahan sa buhay. Siya ang magsisilbing guro mo. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 27, 32 at violet.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) – Huwag labis na magpokus sa isang bagay dahil mababalewala ang iba. Huwag magmadali para hindi magkamali. Lucky numbers at color for the day ang 15, 27, 35, 40 at green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) – Magtiwala sa anumang mangyayari dahil makakarating ka rin sa patutunguhan. Tiwala sa sarili ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 13, 25, 33 at maroon.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) – Huwag kaagad sumuko. Maging mapagtimpi sa pagharap ng pagsubok. Hindi lahat ng solusyon ay makukuha ng isang iglap lang. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 37, 44 at jade green.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) – Dahil sa isang malapit na kaibigan, makikilala ang lalaki o babae na makapagpapatibok ng puso. Lucky numbers at color for the day ang 9, 17, 24, 38 at brown.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) –  Sa halip na maghanap ng ibang bagay, bigyang-halaga ang mga bagay na mayroon ka. Kung hindi magustuhan, paunlarin. Lucky numbers at color for the day ang 5, 13, 34, 41 at pink.

Show comments